top of page
Search
Writer's pictureMayolMendoza

WIKA

Updated: Oct 1, 2019



Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugan nais nating ipabatid sa ibang tao. May limang daluyan ng pagpapakahulugan ng wika isa rito ang tunog, simbolo, kodipikadong pagsulat, galaw, at kilos. Sunod ay ang mga gamit ng wika. Gamit sa talastasan, lumilinang ng pagkatuto, saksi sa panlipunang pagkilos, lalagyan o imbakan, tagapagsiwalat ng damdamin, at gamit sa imahinatibong pagsulat. Sunod ay mga kategorya at kaantasan ng wika. Ito ay mga pormal, at di-pormal.

Sunod naman ay ang komunikasyon. ito ay nag pagpapahayag, pagbabatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan. Ito rin ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan. Ang mga antas ng komunikasyon ay mga intrapersonal, interpersonal, at organisasyonal. Sunod ay mga pangkaraniwang modelo ng komunikasyon ito ay mga tagapadala pinagmulan ng mensahe. Dumadaan ang mensahe sa isang tsanel upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyion. Tagatanggap ang tao o institusyong pinadadalhan ng mensahe. Nagkakaroon ng tugon, puna, o reaksiyon ang tagatanggap hinggil sa mensahe ng tagapagpadala. Ito ay bumalik sa tagapagpadala. Sa pagpapaabot ng mensahe, maaring hindi ito maintindihan dahil sa ingay na humahadlang sa komunikasyon. Maaari ito likha ng tao,bagay, kapaligiran o internal na ingay. Mayroon ding tatlong komunikasyon: komunikasyong pabigkas ay ang pinakpundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa henerasyon; ang komunikasyong pasulat ay nakabaatay sa alpabeto, gramatika, at estruktura ng wika at kumbensiyong pangwika; sa ngayon ay kasama na ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter. Nagkakaroon ng aktwal at tuluyang komunikasyon habang gamit ang email, chat, messenger, at social networking site. Maaring oral, pasulat, o kombinasyon ng oral at pasulat ang nagaganap na komunikasyon gamit ang internet.




6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page