Interksiyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala. Sa pasasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang pormularyong panlipunan(magandang umaga, maligayang kaarawan, hi/hellow, ar iba pa), pangungumusta, at pagpapalitan ng biro, maging sa mga pulong sa paaralan hanggang sa mga pormal na pulong sa mga tanggapan o komperensiya, sangay ng pamhalaan tulad ng pandinig ng mga kaso sa korte, at sa senado.
Mga katutubong pamaraan ng interpersonal na komunikasyon
1. mga salita o paraan ng komunikasyon na may kinalaman sa pagpapahiwatig o sa mga tuwirang pagpapaabot ng mga mensahe, maging pangmadla man o para lamang sa pasaring.
2. Mga salita o paraan ng komunikasyon na umiinog sa mahalagang paggamit ng isang tagapamagitan sakali’t may maselang mensaheng kailangang ipabatid.
3. Mga salita o paraan ng kominikasyon na may kinalaman sa pagbubunyag o pagpapahiwatig ng mga impormasyong kinimkim sa dibdin at kalooban-looban.
4. Mga salita o paraan ng komunikasyon na may kinalaman sa panlabas na aspekto nito, o d kaya’y nakakawing sa pangangailangang para sa madla o tagalabas.
5. Mga salita o paraan ng komunikasyon na may kinalaman sa paglalantad ng sarili na may pagkamatapang ang apog; medyo presko, o hambog.
6. Mga tao paraan ng komunikasyon na tuwiran ang pagsasagutan; karaniwang naaganap sa mga okasyon na tuwiran ang pagsasagutan; karaniwang nagaganap sa mga okasyong pormal at pagmamadla, tulad ng balitaktakan, pagtatalo, taltalan, talastasan, at tuligsaan.
7. Mga salita o paraan ng komunikasyon na may kinalaman sa pagsisiwalat ng mga impormasyong nauukol sa pagsisiwalat ng mga impormasyong nauukol lamang sa pansariling mga bagay-bagay ay ang ipangalandakan, tsismis, ibandila, ipagladran, ipagbukambibig, at ipagsabi.
8. Mga salita og paraan ng komunisayon na nagaganap sa mga sitwasyong sosyal o sa mga okasyon ng pagsama-sama at pagtitipon-tipon, karaniwang pinangungunahan ng mga kuwento at tsismis, pabeso-beso, chika-chika, kamustahan, at huntahan.
9. Mga salita o paraan ng komunikasyon na may kinalaman sa pagbibigay ng balita sa madla o ng mga mensaheng nauukol sa pangkalahatan, tulad ng ipahayag, ibalita, ipaalam, ipaabot, at magbibigay ng babala.
10. Mga salita o paraan ng komunikasyon na nagpapahiwatig ng patuloy na tradisyon ng katutubong retorika, gaya ng pag-uulat at pagsasalaysay sa prosa.
Comments