Kasaysayan ng Wikang Pambasa at ang Filipino bilang Wikang Global baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ulat ng mga mesyoneryong kastila, kanilang nadatnan na ang mga Pilipino ay marunong nang magbasa at magsulat gamit ang baybayin na naglalaman ng 17 simbolo. Dahil ditto, nag aaral ang mga misyonero ng wikang katutubo at nagkaroon ng pangangailangang ilimbag ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang doctrina Christiana sa paraang baybayin. Sa panahon ng kolonyalismong espanyol, nagkaroon ng pagtatakda ng ilang batas kaugnay ng paggamit ng wikang kastila particular sa mga paraan ng pamayanang indio gaya ng ipinag-utos ni calos IV noong 1792. Ang palatitikang ito ang nagging batayan ng ABAKADANG Tagalog na binuo ni Lope K. santos nang kaniyang isulat ang balarila ng wikang pambansa noong 1940. Mula sa 17 orihinal na titik ng baybayin ay idinagdag ang titik R at ginawang lima ang patinig (A, E, I, O, U ). Nag simula na naman ang pakikibaka ng gma Pilipino nang dumating ang mga amerikano sa pamumuno ni Almitante Dewey. Ginagamit nilang instrument ang edukasyon na sistema ng pampublikong paaralan at pamumuhay na demokratiko. Ipinag-utos na gamitin ang ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang bayan na itatatag (Deva Vera, 2010:47). Nang pumasok ang dekada 90, itinatag ang komisyon sa wikang Filipino (KWF) ayon sa batas republika blg 7104 bilang pamalit sa LWP. Binigyan din ng kahalgahan ang pandiriwang ng wikang pambansa sa pamamaitan ng pagpapahaba nito mula sa isang lingo hanggang maging isang buwan tuwing sasapit ang agosto ayon sa itinakda ng proklamasyon blg 1041 (1997) na nilagdaan sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Sa panahon ng internet at pagusbong ng globalisasyon, hindi na lamang ingles ang maituturing na wikang nangingibabaw at preperensiya ng mga gumagamit nito. Sang ayon sa pagaaral ni Levin, naglaho na ang dominasyon ng ingles lalo na sa cyberspace. Kapansin pansin ang paglaganap ng wikang Filipino bunsod ng paggamit at pagsusulong ditto ng midya – telebisyon, radio, at internet.
Comments