Bilang Instrumento malaki ang ginampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang mabisang makipag-ugnayan o makigpagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ito ay maaring gamitin upang Ipahayag ang ibat ibang layon, pakay, o tunguhin. Ito ay maituring na instrumental dahil natutuguunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
● pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pagasa, at marami pang iba;
● panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari;
● direktang pag-uutos;
● pagtuturo at pagkatuto ng amraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.
Wika ng panghihikayat at pagganap
● Literal na pahayag o lokusyunaryo ito ang literal na kahulugan ng pahayag.
● Pahiwatig sa kontekso ng kultura’t lipunan o ilokusyunaryo ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
● Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan o mataggap ang mensahe.
Comments